Sukatan Ng Buhay Poem by Pacific Hernandez

Sukatan Ng Buhay

Ang buhay ng tao'y paano ba susukatin?
Ito ba ay sa tagal ng sa mundo niya'y itinigil?
Ito ba ay sa dami ng kanyang yaman na naipon?
O dami ng kaibigan na siya ay nagkaroon?
Mayaman man o mahirap, maikli man o mahaba,
Ang buhay ay sinusukat sa mga buting ginawa,
Hindi lamang sa sarili kundi pati sa kapuwa.
Mahaba nga ang buhay niya, wala namang silbi't saysay,
Ay daig ng maikli lang ngunit mayro'ng kabuluhan,
Mayaman nga siya ngunit sa kaibigan ay kulang,
Ay daig ng mahirap lang ngunit sa kaibigan ay mayaman.

Wednesday, September 13, 2017
Topic(s) of this poem: hindi,life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success