Mahal, sa bertdey mo'y 'etong regalo ko
Ang latest model sa maga talepano
Exclusive na gamit lang nating dalawa
Gamit mo lang sa 'kin at hindi sa iba
Anumang oras na ika'y naninimdim
Ang number 1 lamang ang iyong pindutin
Siguradp, surely, ako ay dadating
Pag meron kang sa akin ay ipabibili
Ang pipindutin mo lamang ay number 3
Ako ay darating madali't mabilis
Lalo na't may sukli akong makukupit
Pag maraming damit ako na lalabhan
Ang pipindutin mo ay number 4 naman
Para makatipid, wala nang sabunan
Ang pamamalantsa ko na'y idadamay
Bakurang masukal aking wawalisin
Ang mga halaman aking didiligin
Ang damo sa paso aking bubunutin
Ang number 5 lamang ang iyong pisilin
Bahay pag marumi't kelangan ng linis
The number you will press is no other than 6
Aking po-floorwakan ang lahat ng saig
Pati mga hagiw kasama sa walis
Pag mamamalengke, just press number 7
Sagot mo ang lahat, pamasahe'y sa 'kin
Dito ay no probllem, I will have no complaint
The bigger the budget, the bigger the kupit
Kung kelangang ikaw ay ipagmaneho
Pressing number 8 is the only thing to do
Sa trabahong ito ako ay masaya
Because one thing for sure, may libreng merienda
Kapag ang panahon ay maalinsangan
All you will have to do is just press number 9
Ako ay dadating, ika'y papaypayan
May kasamang haplos pa ng pagmamahal
Aba siyanga pala, I forgot number 2
Ito'y pag gusto mong pakasal na tayo
Saan mang simbahan I will say "Yes I do"
Huwag lang sa Quiapo, may record do'n ako
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem