A-ng tapat at matatag,
U-unahin ang paglilingkod;
R-umagasa man ang tubig,
E-ksakto pa rin ang pagsunod.
L-umalim man ang tubig-baha,
I-ka-dalawampu't pito ng Hulyo,
A-ng sa Diyos ay may tiwala'y di alintana ang bagyo.
M-asigla ang tapat at matatag,
A-ng pagsamba'y hindi iniiwan;
D-iyos na Ama ang pinupuri,
L-aging pinasasalamatan.
A-ng pag-asa'y laging buhay,
N-amamalaging malakas;
G-anap ang pagpapasakop,
B-awat kilos ay wagas.
A-wit at tula ang kaaliwan,
Y-aman ang Diyos kung may bagabag;
A-ng basbas ng Panginoon,
N-asa tapat at matatag.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem