Tinedyer Poem by Grace Svensson

Tinedyer

Minsan di maintindihan
Kung bakit ka ganyan
Aburido na lagi
Umaga pa lamang

Sa pagharap sa pagkain
Ikaw ay nagdadabog
Ang itsura mo parang sumasabog
Wala namang may gusto ikaw ay awayin

Sa pagsagot-sagot mo
Na laging pasinghal
Mayroon ka bang hilahil
Sige na sa akin sabihin mo

Minsann bigla na lang
Hahalakhak ng walang pakialam
Ako ay nalilito
Sige na sa akin sabihin mo

Ikaw ba ay may nararamdaman?
Sapagkat hindi kita maintindihan
Ako ang iyong Inang
Nagmamalasakit lamang.

Tuesday, February 6, 2018
Topic(s) of this poem: teenage
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success