Tularan mo ang huwaran
Sa pananalita't gawa;
Tinutupad ang sinabi,
Hinahangaan ng madla.
Gayahin mo ang halimbawa
Sa pananalig na tunay;
Walang pag-aalinlangan,
Pagtitiwala'y matibay.
Sundan mo nga ang modelo
Sa pag-asa niyang matatag;
May pananampalataya
At hindi rin natitinag.
Kopyahin mo ang idolo
Sa ginintuang pag-ibig;
Totoong magmalasakit,
Sa daing ay nakikinig.
Masunurin sa isang Diyos,
At saKaniyang kautusan;
Nagtatanggi ng sarili,
Tularan mo ang huwaran.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem