Umiwas Tayo Sa Sipon Poem by Bernard F. Asuncion

Umiwas Tayo Sa Sipon

Umiwas tayo sa sipon,
Tag-init man o taglamig;
Kumain sa tamang panahon,
Uminom ng maraming tubig.

Tag-init man o taglamig,
Sustansya ang kailangan;
Uminom ng maraming tubig,
Upang lumakas ang katawan.

Sustansya ang kailangan,
Huwag patagalin ang sakit;
Upang lumakas ang katawan,
Hilingin ang awa ng langit.

Huwag patagalin ang sakit,
Simpleng sinat baka lumala;
Hilingin ang awa ng langit,
Manalangin at magtiwala.

Simpleng sinat baka lumala,
Kumain sa tamang panahon;
Manalangin at magtiwala,
Umiwas tayo sa sipon.

Sunday, February 5, 2017
Topic(s) of this poem: sickness
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Bernard F. Asuncion

Bernard F. Asuncion

Subic, Philippines
Close
Error Success