W Ang Simula Ng Wakas Poem by Bernard F. Asuncion

W Ang Simula Ng Wakas

Rating: 3.8

Walang simula ang Diyos,
Isip Niya ay di talos,
Siya rin ay walang hanggan,
At wala ring kamatayan,
Pag-ibig Niya ay lubos.

Ang Ama ay nag-uutos
Sa Iglesia na tinubos,
Na manatili sa kawan,
W ang simula ng wakas.

Ang ating Ama ay puspos
Ng awa na di matapos,
Lakad na sa kabanalan,
Upang kamti'y kaligtasan,
Ang mundo ay matatapos,
W ang simula ng wakas.

W Ang Simula Ng Wakas
Saturday, May 13, 2017
Topic(s) of this poem: god
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Bernard F. Asuncion

Bernard F. Asuncion

Subic, Philippines
Close
Error Success