Wika Poem by Grace Svensson

Wika

Ng ako ay lumipat sa ibang bayan
Ako ay nahirapan
Sa pakikipagsalamuha
Dahil sa wikang kanilang sinasalita

Ako ay minsan parang tanga
Di makaunawa
Ng dahil sa wika
Parang malubha

Sa pang araw-araw na gawain
Mayroong nakahadlang
Ang aking dila
Ay nahihiya

Di nakahanap ng matinong trabaho
Sa simula kahit ano na lamang
Ang pinagkakakitaan
Puro pagtanggap, walag reklamo

Ngunit unti-unti
Umaayos ng medyo
Natutunan ko
Araw ko ay naging mabuti

Wika ay susi
Sa panibagong gawi
Ito ay mahalaga parati
Kaya ating syang pag-aralan ng me ngiti

Ngayun kaya ko ng makipag-usap ng mabuti
Kaya ko na rin magbiro na me ngiti
Salamat sa sarili ko
Sa pag-aaral ng wika natuto ako.

Tuesday, February 6, 2018
Topic(s) of this poem: language
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Grace Svensson

Grace Svensson

Philippines / Sweden
Close
Error Success