Have focus on attaining your goal but don't forget to enjoy and see other beautiful things along the way.
Trying something new is really great and I've proved it!
This is Xian Sutrof, a proud Filipino.
Makakalaya pa ba ako sa buhay na kinagisnan ko?
Buhay na tila nakakulong sa mundong hawak ko
Isang mundong malabong maintindihan ng karamihan
Maiintindihan lang ng taong may malawak na isipan.
...
Sa sitwasyong aking kinakaharap,
Walang dudang ito ay kay hirap;
Halos walang mukhang ihaharap,
Lumubog bigla ang aking mga pangarap.
...
Ang puso ko'y binihag mo, mula't simula pa,
Ng ika'y unang makita, kakaiba ang pintig ng pusong may kaba;
Nangangarap na muling magkita at sana ay makilala,
Labis na ligaya ang hatid makasama ka aking sinisinta.
...
Ang buhay kong ito'y iaalay sa'yo
Lahat ibibigay at gagawin, yan ay pangako
Tunay ang hangad ko at nawa'y ibigin mo
Ako'y maghihintay sa iyong matamis na oo.
...
Ang buhay sa mundo'y isang paglalakbay,
Na hindi mo alam kung ano ang naghihintay;
Kaya marapat na tayo'y maging matibay,
At manalig sa Diyos na Siyang gumagabay.
...