Ako'y Guro Poem by JOJO PESCADOR

Ako'y Guro

Sa maghapong pag-upo
Nagmumuni sa landas na tatahakin ko
Inumpisahang ihakbang mga paang sabik
Hanggang sa dalhin ako nito sa isang landas
na pinangarap ko't kinamit.

Mga pagsubok na dumaan ay aking napagtagumpayan
Tinawid ang matatarik na kabundukan
Ika'ymakamtanlamang
Pangarap na inasam at pinilit na makamtan.

Hindi ko akalain na isang araw ay tatawaging Bayani ng nakararami
Pagka't isang sakripisyo at pagpapagal pala ang natahak kong landasin
Sakrispisyong nagpapagaan ng damdamin
Pagkat alam mong buhay ng isang nilalang ang iyong babaguhin.

Iyan ako ngayon isang tagahubog ng talento at galing ng isang paslit
Paslit na naghahangad din ng makabuluhang landasin
May pangarap ding gustong abutin.

Isa na nga akong guro ngayon
Dati'y bayani ang tawag ko sa mgagurong naging pangalawang magulang sa akin
Bayaning nagliligtas ng kabataan tungo sa kaunlaran
Bayaning tagaguhit ng kapalaran
Bayaning tagatuwid ng kamalian
Bayaning mapagmahal sa kabataan
Ngayo'y bayani na din ang babansag sakin
Tutuparin ang sinumpaang tungkulin.

Ako'y isang guro
At maligaya ako dahil dito ako dinala ng mga paa ko.

Tuesday, September 17, 2019
Topic(s) of this poem: teacher
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
1 / 10
JOJO PESCADOR

JOJO PESCADOR

BAYAMBANG, PANGASINAN
Close
Error Success