Ang Makasaysayang Dozen Poem by Bernard F. Asuncion

Ang Makasaysayang Dozen

Rating: 5.0

Ang isang dosena ay makasaysayan,
Sa panahon ni Moises ay nagsugo s'ya,
Labingdalawang tiktik ang inutusan,
Nanggaling sa lipi ng Israelita,
Upang alamin ang lupa ng Canaan,
Batay sa sinabi ng Diyos na Ama,
Ang sampu ay hindi nagsabi ng tapat,
Sina Josue at Caleb ay tamang ulat.

Noong si Cristo'y narito pa sa mundo,
Tinawag ang labingdalawang apostol,
Ipinangaral nila ang ebanghelyo,
Nang upang maligtas ang tao sa hatol,
Si Judas Iscariote ang nagkanulo,
Mula sa puno ang sanga ay pinutol,
Ang Panginoon sa taksil ay nagalit,
Si Matias ang alagad na ipinalit.

Sa Jerusalem ang Iglesia'y nagbalik,
Natupad nga ang hula ng Panginoon,
Hindi lang mga Gentil ang nagsaliksik,
Pati Judio ay nakaunawa roon,
Tungkol sa tunay na bayang walang batik,
Aabutan na ng wakas ng panahon,
Ang lider nga ay nagtungo sa lupain,
Kasama ang labingdalawa o dozen.

Ang Makasaysayang Dozen
Monday, April 17, 2017
Topic(s) of this poem: history
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Bernard F. Asuncion

Bernard F. Asuncion

Subic, Philippines
Close
Error Success