Ang pagsubok ay tulad ng sibuyas
Na hindi maiiwasan ninuman;
Kailangan mo munang lumuha
Bago makamit ang kagalakan.
Para kang tinatalupan nang buhay,
Dahil sa bigat ng pasanin;
Hindi lamang isang gayat,
Kundi marami ngang tiisin.
Huwag kang kakapit sa patalim,
Dahil ang kahirapan ay matalas;
Manghawak sa pangako ng Diyos,
Ang pagsubok ay tulad ng sibuyas.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem