Ang Puti Ng Itlog Ay Walang Lasa Poem by Bernard F. Asuncion

Ang Puti Ng Itlog Ay Walang Lasa

Rating: 5.0

Ang puti ng itlog ay walang lasa,
Malibang nilagyan ito ng asin,
At ang dilaw naman ay may protina,
Kaya masarap iulam sa kanin,
Sa tuwing inihahain sa mesa,
Ito ay hindi mapigilang kunin,
Kilala nga ito sa buong mundo,
Mahalaga ito sa bawat tao.

Wala ngang lasa ang puti ng itlog,
Ito'y nasa Banal na Kasulatan,
Kung ito'y di sinasadyang mahulog,
Mababasag at lalabas ang laman,
Ito rin ay mabuting pampalusog,
Magandang pampalakas ng katawan,
Huwag lang lalabis sa nararapat,
Alamin mong mas mainam ang sapat.

Sa nilagang itlog ay nakadikit
Ang balat na buo minsa'y may bitak,
Sa prito may imaheng nakaukit,
Ang dulot sa tumitingin ay galak,
Kapag malasado ay inuulit,
Upang ang luha ay hindi pumatak,
Karaniwang dilaw ang pinipili,
Sa itlog ay walang lasa ang puti.

Ang Puti Ng Itlog Ay Walang Lasa
Tuesday, April 25, 2017
Topic(s) of this poem: life
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Bernard F. Asuncion

Bernard F. Asuncion

Subic, Philippines
Close
Error Success