Ang Sasamahan Ng Diyos Poem by Bernard F. Asuncion

Ang Sasamahan Ng Diyos

Ang sasamahan ng Diyos
Ay ang Iglesia Ni Cristo;
Hindi iiwan sa unos,
Sasaklolohan sa bagyo.

Papatnubayan ng Ama
Ang Kaniyang mga lingkod;
Iingatan sa sakuna
Ang Kaniyang ibinukod.

Mapalad nga ang pinili
Na nasa Kaniyang bayan;
Palaging kinakandili,
Ligtas sa kapahamakan.

Malayo sa mga salot,
Panganib at mga sakit;
Dalangin ay sinasagot
Dahil sa Diyos ay malapit.

Sa sala'y pinatatawad
Ang bawat isang tinubos;
Itinuring na alagad
Ang sasamahan ng Diyos.

Ang Sasamahan Ng Diyos
Thursday, May 7, 2020
Topic(s) of this poem: hindi,poem
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Bernard F. Asuncion

Bernard F. Asuncion

Subic, Philippines
Close
Error Success