Banal Na Multo Poem by Obed dela Cruz

Banal Na Multo

May bulong na nagpapaalala
Ng mga pantas na alituntunin
Tungkol sa buhay-hustisya't awa-
At sa mundong dinadaanan natin.

Minsan, para S'yang ating sarili
Na sinusuri ang mga intensyon
At binabalak bawat sandali
Upang masalba ang pagkakataon.

Dahil tulad ng isang magulang,
Alam Niya ang ating pagkatao.
Kapag batid nati'y kinukulang,
Tayo ay Kan'yang pinapatalino.

Siya ang ating tagatangkilik
Bagaman hindi natin napapansin
Palagi ang Kan'yang pagtatapik
Kung mayro'n S'yang pinaparating sa 'tin.

Nguni't sa bawat gabi at araw,
Tayo ay Kaniyang binabantayan.
Kada halakhak, iyak, at sigaw-
Siya ay mayro'ng pinapatunyan.

Pag-ibig, pag-hanga, at pag-takot-
Lahat ng ‘yan ay ating madarama.
Sapagka't pag-galang at kilabot
Ang dala ng haplos ng Kan'yang Diwa!

Mahiwaga ang Kan'yang pagkilos!
Kahit pa ito'y Kan'yang binubunyag,
Hindi maintindihan ng lubos!
Sana lang lahat ay maihahayag

Nang sa gayo'y tayo'y makumbinsi
Na S'ya sa ati'y hindi katunggali.

Mayo 30,2016
Marikina City

Monday, May 30, 2016
Topic(s) of this poem: faith,holy spirit,religion
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success