Lahat halos ay masaya ng umandar ang makina
Hinanap ko upuan ko na malapit sa bintana
Lahat ay abalang-abala sa upuan nila
Hanap dito hanap doon, hanap pa
Ako ay napaupo sa harap ng mag-asawa
Dala-dala anak nila na halos sanggol pa
Ngunit mababakas sa kanilang mga mata
Ang buo at masayang pamilya
Sa likod naman dalawang tinedyer ang nakapwesto
Kanilang mga bibig walang husto sa pagkukwento
Halos sumakit na ang tenga ko
Sa paulit-ulit nilang pagbigkas ng demonyo
Sa tagiliran ko naman mag-ina ang namamahinga
Ina ay tumatangis humuhikbi ng sobra
Ano kaya ang nasa puso nya?
Para syang mayroong malaking dinadala
Iba-ibang klase ng tao ang nasa byahe ng tren
Iba-ibang saloobin at damdamin
Ngunit saan man ang destinasyon ng bawat isa
Mayroon pag-asang mapapansin sa mga mukha nila.
Copyright Grace Svensson
December 10,2018
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Wow, Ate Grace, ang husay ng pagbuo mo ng tulang ito.....................10++++++++++