Gamitin Ang Mouse Sa Pagbuo Ng Oda Poem by Bernard F. Asuncion

Gamitin Ang Mouse Sa Pagbuo Ng Oda

Rating: 5.0

Gamitin ang mouse sa pagbuo ng oda,
Pindutin siya sa kaliwa o kanan;
Pailawin ang kaniyang mata;
Paikutin ang gulong sa likod ng tiyan.

Pindutin siya sa kaliwa o kanan,
Ingatan ang buntot na payat;
Paikutin ang gulong sa likod ng tiyan,
Panatilihing makinis ang balat.

Ingatan ang buntot na payat,
Palakarin siya sa mouse pad;
Panatilihing makinis ang balat,
Matapos gamitin ay iligpit kaagad.

Palakarin siya sa mouse pad,
I-highlight ang nais i-delete;
Matapos gamitin ay iligpit kaagad,
Pakinabangan siya kahit maliit.

I-highlight ang nais i-delete,
Pailawin ang kaniyang mata;
Pakinabangan siya kahit maliit;
Gamitin ang mouse sa pagbuo ng oda.

Gamitin Ang Mouse Sa Pagbuo Ng Oda
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Bernard F. Asuncion

Bernard F. Asuncion

Subic, Philippines
Close
Error Success