Hindi Tayo Indio Poem by Obed dela Cruz

Hindi Tayo Indio

Tayong mga Pilipino
Ay hindi mga indio.
Tayo ay sibilisado.
Tayo ay mga tao.

Huwag natin ipakita sa mundo
Na tayo’y mabababa na tao.
Mayroon tayong pinagaralan
Mayroon tayong karangalan.

Kailanman di tayo naging hayop
Kailangan lang matanggal ang takot.
Huwag natin laitin
Ang sarili natin.

Dapat hindi lang natin
Tignan at laitin
Ang bansa nating kailangan
Ng mga taong may katapangan.

Huwag lamang umasa
Sa ating gobyerno na pawala ang lasa.
Dapat tayo mismo ang kumilos.
Huwag puro madugong rebolusyon.

Kapag may bumagsak
Pwede pa itong umahon.
Maghintay lang ng tamang panahon,
Tayo din ay aahon!

Hindi tayo indio
May isip tayong mga tao.
Tulungan natin
Ang bansa natin.

Huwag gawing rason ang kahirapan
Para mamatay sa kabuhayan.
Yayaman din tayo.
Hindi indio ang mga Pilipino.

Copyright © 2009 by Obed Dela Cruz

(September 5,2009; Marikina City)

(To use this poem in a legal way, please email the author at princeobed_dc@yahoo.com but you cannot own the poem because you will be violating such in computer ethics, information systems, intellectual property, copyright, and other rights)

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success