Huwag Kumapit Sa Patalim Poem by Bernard F. Asuncion

Huwag Kumapit Sa Patalim

Rating: 5.0

Huwag kumapit sa patalim,
Sa panahon ng kagipitan;
Kahit daigdig ay madilim,
Dapat umiwas sa kasalanan.

Sa panahon ng kagipitan,
Huwag mawalan ng pag-asa;
Dapat umiwas sa kasalanan,
May sagot sa iyong problema.

Huwag mawalan ng pag-asa,
Kahit mabigat ang dalahin;
May sagot sa iyong problema,
Kung ang Diyos ay susundin.

Kahit mabigat ang dalahin,
Gamitin ang kamay sa matuwid;
Kung ang Diyos ay susundin,
Maging ang ilog ay matatawid.

Gamitin ang kamay sa matuwid,
Kahit ang daigdig ay madilim;
Maging ang ilog ay matatawid,
Huwag kumapit sa patalim.

Sunday, February 5, 2017
Topic(s) of this poem: hope
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Bernard F. Asuncion

Bernard F. Asuncion

Subic, Philippines
Close
Error Success