Ibong masayang lumilipad
Ang tulad ng payapang bansa;
Walang dayuhang nang-aapi
Sa lahing tunay na malaya.
Ibong masayang lumilipad
At umaawit na may galak;
Dumadapo sa mga puno
At halamang namumulaklak.
Bansang wagas ang kalayaan
Ay kumakampay sa paglipad;
Patungo sa pagtatagumpay,
Sa pagsulong at sa pag-unlad.
Ngumingiti sa bawat huni
Ang ibong wala sa kulungan;
Na mababakas ang tiwala
Sa sarili at kakayahan.
Ang kalayaan ay katulad
Ng koronang iginagawad;
Totoong kay gandang pagmasdan,
Ibong masayang lumilipad.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem