Kandilang Nagliliwanag Sa Dilim Poem by Bernard F. Asuncion

Kandilang Nagliliwanag Sa Dilim

Rating: 5.0

Kandilang nagliliwanag sa dilim
Ang katulad ng Iglesia Ni Cristo;
Upang magningning sa gawang mabuti
Sa gitna ng napakasamang mundo.

Kapag nakikita ng mga tao
Ang lingkod ng Ama sa kabanalan;
Sila man ay magpupuri sa Diyos,
At maaakay sa katotohanan.

Huwag itago ang ilaw kailanman,
Ipakita ang mabubuting gawa;
Sa malalaking mga pagtitipon,
Ipahayag ang magandang balita.

Huwag iwan ang pagpapalaganap,
Magmisyon sa bundok, bayan, at lunsod;
Sa walang tigil na pag-aanyaya
Ay utos ng Diyos ang sinusunod.

Bago magwakas ang sandaigdigan,
Ipabatid ang ebanghelyong lihim;
Hayaan nating magsilbing patnubay,
Kandilang nagliliwanag sa dilim

Kandilang Nagliliwanag Sa Dilim
Saturday, August 18, 2018
Topic(s) of this poem: poem
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Bernard F. Asuncion

Bernard F. Asuncion

Subic, Philippines
Close
Error Success