Obed dela Cruz

Rookie - 279 Points (October 18,1995 / Marikina City)

Linangin Ang Kasagutan - Poem by Obed dela Cruz

Dati, ang mundo’y isang malawak na hardin
Kung saan ang kalikasan ay mapayapa.
Parang isang larawang iisip-isipin
Nguni’t ngayo’y unti-unti nang naaaba.

Masarap mang magsulat sa baybaying dagat
Habang pinagmamasdan mga munting alon.
Pero kapag kamalasa’y s’ya nang kumagat
Mga along ito, ika’y pwedeng malamon.

Pagdidilig man ang ginagawa ng ulan
Nguni’t sa panahon ngayon ay naiba na.
Dahil sa ulan, nakatatakot pagmasdan
Habang ang mga palayan lubog sa baha.

Dati, balanse mga panahon sa mundo;
Alam mo kung kailan lalamig o iinit.
Pero ngayon, mga panaho’y gumugulo.
Minsa’y di mo masabi ang tema ng langit.

Mga ito’y nangyayari dahil sa atin.
Winawasak natin ang sariling tirahan.
Kahit hindi man ito ang ating naisin,
Pero ating mundo’y ito ang kalagayan.

Parang isang anak na sinumpa ang ina
Ngayon ay gawin natin ang kabaliktaran.
Ang mundong ito’y masyado nang nagdudusa,
Halina’t Linangin natin Ang Kasagutan.

www.poemhunter.com/obed-dela-cr uz
www.poetfreak.com/poet/PrinceObedDelaCruz29 6
www.princeobed.multiply.com
www.obed-dela -cruz.blogspot.com

Copyright © 2010 by Obed Dela Cruz

(I would like to thank my classmate, Donna, for helping me write the title because I usually write so many but sometimes it’s hard to compose the title.)

(April 23,2010; Antipolo City)

(I’m proud of this piece because it won 2nd place in a poetry competition)

(I thank professor Joseph Aldin Ansus who sent me to this competition and I thank God for helping me)

(The poem is written by OBED DC. To use this poem in a proper manner, please email me at princeobed_dc@yahoo.com)


Comments about Linangin Ang Kasagutan by Obed dela Cruz

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, April 28, 2010

Poem Edited: Monday, April 4, 2011


[Report Error]