Kaydaming pagsubok,
Sa aking isipan ay tumutumpok.
Aking pagkakamali ay laging iniisip,
Ito ri'y bumubisita maging sa aking panaginip.
Muling tanawin aking nakaraan,
Dumadami ito sa pagdaan.
Kung saan repleksyo'y perpeksyon,
Lahat ng gawai'y laging naaayon.
Laging tanong sa isipan,
Kung bakit ako'y lagi ngayong napagiiwanan.
Sana'y tagumpay muling mabuhay,
Para makamtam ng iba, aking husay.
Muli, ito si Aby, munting dalagita,
Maganda kahit mataba ang hita.
Sa paniniwala'y nawawala ang pangamba,
At sa pagngiti'y, walang kaba.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Superb and delightful poem, dear ate Abby. Ang ganda. I love it....10+++