WIKA, gabay sa kaunlaran
by: Melvin D. Banggollay
W-ika’y dakilang biyaya ng Maykapal sa atin
Mula sa kaibuturan ng kanyang katauhan
Upang masilayan natin iisang damdamin
Tungo sa ikau-unlad ng ating Inang Bayan.
I-to’y sagisag ng ating kasarinla’t simulain
Bilang isang liping mapagmahal sa bayan;
Bilang mamamayang may iisang adhikain
Sa ikabubuti’t ikauunlad ng sambayanan.
K-apayapaa’t katarungang hinahangad natin
Ay magkakaroon ng katuparan at kabuluhan
Kung katutubong wikang kinagisnan natin
Ay maging susi ng ating pagkakaunawaan.
A-ng atin pong wika’y napakahalaga sa atin
Sa pagpupunyaging tayo’y may unawaan
Kaya’t diwa nitoy lalo pang pagyayamanin
Tungo sa ikau-unlad ng lupang Sinilangan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
wala talagang kasing ganda ang ating wika Melvin...o sila kaya ang mag tagalog sa PH..kaya ba nila? heheheh...nag tiis nga tayo sa kaka-inglis no? happy writing..