Ang sapatos ay gamit sa paa,
At proteksyon katulad ng bota;
Isuot mo ito sa paglakad,
Upang ikaw ay maging mapalad.
Ang mga turo ng Panginoon,
Mabisa sa lahat ng panahon;
Huwag mo nga itong huhubarin,
Sa masama'y huwag paalipin.
Ang kasuotang galing sa itaas
Ay pandigma laban kay Satanas;
Ang salita ng katotohanan
Ay may lakip na kapayapaan.
Banal ang ebanghelyo ng Diyos,
Ang aral ay tulad ng sapatos.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Mabisa sa lahat ng panahon; Huwag mo nga itong huhubarin. An amazing, well defined poem....Truly fantastic...Thanks, Bernie... Big 10
Thanks, Che.... I'm truly amazed by your comment.. a big like...