Ang Pagmamahal Sa Pamilya Poem by Bernard F. Asuncion

Ang Pagmamahal Sa Pamilya

Rating: 4.7

Ang pagmamahal sa pamilya
Ay siyang tungkulin ng lahat;
Magulang man o mga anak
Ay sa pag-ibig iminulat.

Ang pagmamahal sa pamilya
Ay may kalakip na biyaya;
Pagpapalain nga ng Diyos,
Ang pamumuhay ay payapa.

Ang pagmamahal sa pamilya
Ay napakabuting ugali;
Na maisasalin sa supling,
Hanggang sa susunod na lahi.

Ang Diyos ang unang umibig
Noon kina Adan at Eva;
Ipinadama ng Lumalang
Ang pagmamahal sa pamilya.

Ang Pagmamahal Sa Pamilya
Wednesday, September 20, 2017
Topic(s) of this poem: family
COMMENTS OF THE POEM
Rose Marie Juan-austin 13 November 2019

Napakagandang.tula para sa pamilya, Bernard. This poem resonates with me Very heartwarming and inspiring. Masterfully written. On to my Poem List.

2 0 Reply
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Bernard F. Asuncion

Bernard F. Asuncion

Subic, Philippines
Close
Error Success