Hindi Dapat Tawanan Ang Pag-Aaral Poem by Obed dela Cruz

Hindi Dapat Tawanan Ang Pag-Aaral

Bakit kailangan pang tawanan ang pag-aaral ng mabuti?
Dapat ba talagang hikayatin na magloko ang matino?
Nakakatulong nga ba ‘to sa mundo pati sa ‘yong sarili?
Ano bang magiging epekto nito sa kinabukasan mo?

Bilang mga mag-aaral, dapat ipakita nating lahat
Na di natin hahayaan sa ating panahon na maglaho
Ang pagtangkilik sa kaalaman dahil di ‘to kinakalat.
’Di dapat masayang ang pinagod ng ating mga ninuno.

Ang edukasyon ay ‘di parang isang ipa na walang laman
Kundi ito ay isang mabungang puno na tinitingala
Tulad ng isang bituin na kumikinang sa kalawakan
At ng isang bundok na kailanman ay di kayang maabala.

Dito, maraming nakatagong kayamanan na mahuhukay
Dahil ito ay parang isang bukal na hindi nauubos.
At ang halaga na dala nito’y magagamit pang habang-buhay
Kung iyong matututunan na di lang magpatangay sa agos.

Tandaan mo, hindi lang ang utak ang pinabubuti nito
Kundi kasama din dito ang pagkabuti ng pagkatao.

http: //www.poemhunter.com/obed-dela-cruz
http: //www.poetfreak.com/poet/ObedDelaCruz
http: //obed-dela-cruz.blogspot.com/
http: //princeobed.multiply.com/

Copyright © 2010 by Obed Dela Cruz

(June 24,2010; Marikina City)

(This poem is written by Obed Dela Cruz. To use it in a proper manner, please email him at [email protected])

Thursday, June 24, 2010
Topic(s) of this poem: hindi,june
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success