Remberto Jr. Soleta


Pag-Asa Sa Bagong Umaga - Poem by Remberto Jr. Soleta

Sa araw-araw sa aking pag-daan
Makikitang laman ng lansangan,
Mga batang dapat ay nag-aaral
Kumakayod para sa kinabukasan.

Para nga ba sa kinabukasan
O sa kinabukasan ng magulang?
Kung kayo’y mabuting ama’t ina
Di nyo hahayaang sila ang magdusa!

Hindi kahirapan ang laging dahilan
Sa lumalalang sakit ng bayan,
Nasa kamay nating mga magulang
Ang ikauunlad ng ating bayan.

Di ka ba nahahabag sa yong nakikita?
Di ka ba naaawa o sadyang manhid ka? ,
Dapat sanay maganda ang kapalaran
Ng ating mga anak at ng ating bayan.

Ang pagbabago’y naririyan lang
Kung ating gagawin at sisimulan,
Mga bagay na magbubukas sa daan
Sa ikatatagumpay ng ating bayan.


(September 12,2003/Manila, Philippines)


Comments about Pag-Asa Sa Bagong Umaga by Remberto Jr. Soleta

There is no comment submitted by members..

Rudyard Kipling

If



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, September 20, 2007

Poem Edited: Sunday, April 10, 2011


[Report Error]