Pagmamahal (Benevolence)

Rating: 5.0

Minsan may mga bagay na nais nating makamtan
Akala natin mundo ay wala ng katapusan
Ngunit sa pag-ikot nito doon natin makikita
May naghihintay pala na isang magandang umaga.

Kaya napakahalaga ng bawat sandali
Na ang kasama mo ay ang mahal mo
Dahil dito mo mararamdaman
Dahil dito mo makikita, mapalad ka pala
Pag nagawa mo ang isang bagay na talagang gusto mong gawin

Walang makakapigil sa totoong nararamdaman,
Ang iyong sarili at ang iyong puso lamang.
Ang sarap ng pakiramdam ng maging totoo,
Walang daya, walang kasinungalingan.
Kahit ang isipan, puso’y hindi kayang hadlangan.

Wala namang dapat isipin kung hindi ang makasama sa habang buhay
Ang minamahal ng totoo at tapat.
Ngunit may mga bagay na kahit anong gawin,
Kahit pilitin ang sarili, ang hirap magawa
Pero kung tutuusin, napakadali naman pala.

Ganoon ang buhay, kung ano ang gusto hindi naman para sa iyo.
Pero sa kabila ng lahat, napakasarap ng magmahal, lalo na at mahal ka rin.
Kaya namang matupad, kahit ano ang hadlang;
Ang pinakamahalaga ay maging totoo sa bawat isa, sa mundong ginagalawan,
Sa Sarili at sa Pagmamahal.

READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
COMMENTS OF THE POEM
Paul Pruel 09 August 2008

Kailan man di dapat ikahiya ang pagiging Pinoy. Dapat lang na ating iwagayway sa buong mundo ang wikang Pinoy. Kaya sige padayon lang saludo kami sa iyo igan! .

1 0 Reply
Rey Benipayo 09 August 2008

maganda tagalog man o english version

1 0 Reply
Hirzel Davids 29 July 2008

maganda po ang poem.i would be happy to read the english version. :) .ingat po.

1 0 Reply
angelianne 1012 25 July 2008

very well said jun...be true to ur self and to love...nice poem kababayan! ! !

1 0 Reply