Captain Herbert Poetry


Sa Pagkinang Ng Mga Bituin Sa Iyong Palad - Poem by Captain Herbert Poetry

(Tribute to 'Kuya Germs' German Moreno)

Hindi mo kinalimutan ang iyong pinanggalinan
Nakatapak ka lagi sa lupa ng may pagkumbaba
Nagsimula sa pinakasimple at ordinaryong buhay
Nasa likod lamang ng entablado na naging dakilang taga-ukit ng mga kapalaran

Payasong buong pusong nagpapasaya sa atin
Naghatid ng mga programang naging hakbang sa pangarap
Maraming paang hinakbang sa matayog na tagumpay
Nagtanim ng kabutihan at pag-aruga sa mga nagsisimula

Matulungin sa mga lubog at mga paakyat sa pelikula
Bukas ang mga kamay, bukas ang palad, bukas ang puso
Inialay niya ang pagbuhay sa indusyriya ng mga artista
Luha, pawis, pagod at tiwala sa Diyos, sa tao at sa kanyang sarili

Lumiwanag ang kalangitan dahil sa pagsabit mo ng mga tala
Ikaw ang nagpaningning sa mga natatago nilang talento
Kahit hindi ka pumunta sa pinakatugatog,
Ikaw ang nagpalipad sa kanila na iyong binigay ang mga pakpak

Walang hinihintay na kapalit sa pagtulong kundi tignan ang kalagayan sa paglipad
Inilagay mo ang kanilang mga pangalan sa sinag ng kalawakan
At lagi ka pa rin nasa ilalim upang tignan lang sila ng may kasiyahan sa sariling kalooban.
Haligi ka, nagtiyaga, at naggabay sa lahat ng mga may munting pangarap na ibinato sa taas upang maging kumikinang na mga bituin.

Topic(s) of this poem: tribute

Form: Free Verse


Comments about Sa Pagkinang Ng Mga Bituin Sa Iyong Palad by Captain Herbert Poetry

  • Kumarmani Mahakul (1/10/2016 2:48:00 AM)


    A, persevered, and guided all have dreams hurled in stature to become glowing stars. Very amazing composition shared really. Wonderful and nice Tribute to 'Kuya Germs' German Moreno. Fantastic.10 (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
Read all 1 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Sunday, January 10, 2016



[Report Error]