Bernard F. Asuncion

Gold Star - 622,232 Points (July 30,1967 / Subic, Philippines)

Salamat Po, Ka Eduardo - Poem by Bernard F. Asuncion

Salamat po, Ka Eduardo,
Sa inyong pagmamahal;
Inaakay ang Iglesia
Patungo sa bayang banal.

Kahit mapagod at mapuyat,
Ay hindi alintana;
Ang mahalaga'y matupad
Ang tungkulin sa Ama.

Walang tigil sa paglalakbay,
Kahit sa malayong dako;
Panganib ay sinusuong,
Alang-alang sa kawan ni Cristo.

Damang-dama ng mga kapatid
Ang inyong pagsasakit;
Handang isakripisyo ang lahat
Upang kaligtasa'y makamit.

Wala kayong ibang iniisip
Kundi kapakanan ng Iglesia;
Tumitibay ang aming loob
Dahil sa inyong pangunguna.

Tuwing kayo'y nangangasiwa,
Puso ninyo ang nangungusap;
Kaya kami'y nananabik,
Pagsamba ay laging hanap.

Pasasakop kaming lubos
Sa Tagapamahalang Pangkalahatan;
Pag-uusig man ay dumating,
Ang pagsunod ay di iiwan.

Abutan man ng kamatayan,
Mananatili hanggang sa wakas;
Hindi kami tatalikod,
Kahit hirap kami ay magdanas.

Mahal na mahal namin kayo,
Mahalaga kayo sa aming buhay;
Kung wala kayo sa amin,
Ang lahat ay walang saysay.

Dalangin namin sa Ama,
Patnubayan kayong lagi;
Huwag Niyang pababayaan
Pati pamilyang inyong kandili.

Sa Diyos ang lahat ng papuri,
Sa tagumpay ng Iglesia Ni Cristo;
Nagagalak kaming lahat,
Salamat po, Ka Eduardo.

Topic(s) of this poem: thanks

Form: Quatrain


Comments about Salamat Po, Ka Eduardo by Bernard F. Asuncion

  • Cheryl TutaanCheryl Tutaan (6/29/2017 12:03:00 PM)

    I can't think of such word like beyond compare or above perfect. And a vote of above 10. 😊 Thanks, Bernard...You are Amazing! ! ! (Report)Reply

    Bernard F. AsuncionBernard F. Asuncion(6/29/2017 2:52:00 PM)

    We are forever one with our beloved leader😍😍😍... Thanks, Ate Che👍👍👍

    4 person liked.
    0 person did not like.
Read all 2 comments »

Maya Angelou

Phenomenal Woman



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Tuesday, June 27, 2017

Poem Edited: Monday, May 13, 2019


[Report Error]