Kung Ako'y Iyong Lilimutin Poem by Aya Poetess

Kung Ako'y Iyong Lilimutin

Rating: 5.0

Isang bagay gusto kong ipaalam sa ‘yo

Batid mo kung paano ito:
Kung aking pagmamasdan,
ang kristal na buwan, ang pulang sanga
ng marahan na taglagas
mula sa aking durungawan,
Kung aking sasalatin
ang maluhap na abo
o ang kulubot ng kalap
na malapit sa apoy
lahat na ito'y dinadala ako sa iyo,
Tila lahat ng mga bagay na umiiral,
mga samyo, mga tanglaw, mga asero
ay mga munting paraw
na lumalayag patungo
sa mga isla mo
na sa aki'y naghihintay

Ngunit,
Ngayon,
Kung ang pagmamahal mo sa aki'y unti-unting papanaw
Pag-ibig ko sa iyo'y unti-unti kong itatakwil

Kung ika'y biglang nakalimot
huwag mo na akong hahanapin
sapagkat aking puso'y nakalimot na.

Kung sa tingin mo'y kabaliwan
ang pagpulon ng banderang dumadalos
sa aking buhay
at ika'y magpapasya
na iwanan ang dalampasigan
ng puso kong doon nagka-ugat
Isangalaala mo
Sa araw na iyon,
Sa oras na iyon
Mga bigkis ko'y aking iaangat
at mga ugat ko'y yayao
at maghahanap
ng panibagong
dalampasigan

Ngunit,
kung bawat araw,
bawat sandali,
Napagtanto mo na tayo
ay tinakda ng tadhana
na may pagkailanmang tamis,
kung bawat araw may bulaklak na dadampi
sa iyong mga labi
upang ako'y hahanapin,
O, irog ko, pinakamamahal ko
lahat ng alab ng aking damdami'y liliyab,
sa puso ko'y walang mapupuksa o malilimot
Pag-ibig ko sa iyo'y humihinga sa pag-ibig mo, O mahal ko
at habang ika'y nabubuhay
ito'y mananatili sa iyong kanlungan
nang sa akin di lilisanin.


Translation Copyright ©
January 2018

This is a translation of the poem If You Forget Me by Pablo Neruda
Wednesday, January 3, 2018
Topic(s) of this poem: heartache,devotion,heartbreak,life,love,love and life,passion
COMMENTS OF THE POEM
Rose Marie Juan-austin 06 January 2018

Aya, the translation of this beautiful poem in our language is so amazing. The translation is superb. The flow, symmetry and wording are fantastic. The poem is even more beautiful to read in our own language. Maraming salamat...10

0 0 Reply
Aya Sunga Askert 09 January 2018

Thank you Rose for your comment. Yes, I agree with you, the poem is more mellifluous to hear in our own language.

0 0
Bernard F. Asuncion 04 January 2018

Wow, Aya... such a brilliant translation of Pablo Neruda’s IF YOU FORGET ME...... Damang-dama ko ang bawat butil ng salita na iyong ginamit dito....a perfect 10+++

0 0 Reply
Close
Error Success