nhel bryan plamara


Panaginip - Poem by nhel bryan plamara

nagising…
Imumulat ang mga mata;
isang bulong ng hanging ligaw,
nakapuwing.

naglakad…
Ihahakbang ang mga paa;
harang ng kamalasan,
nadapa.

tumayo…

saan tutungo?

walang pupuntahan…
walang masilungan…

babalik sa dating kinalalagyan.

matutulog…
mananaginip…nakakalipad…

sana’y nananaginip din ang aking kinamulatan…
sana…


Comments about Panaginip by nhel bryan plamara

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, August 25, 2010



[Report Error]