PINAKATANGI-TANGING DILAG
Mga magagandang babae nagmumuni-muni kung ano ang aking mga lihim.
Hindi ako kaakit-akit o kaya ay kasing tulad ng isang modelo
Ngunit pag sinimulan kong sabihin,
Sa akala nila'y ako'y nagsisinungaling.
At sinabi ko,
Ito ay aking abot-kamay,
Mula sa kurba ng aking mga balakang,
Mula sa paghakbang ng aking mga paa,
Mula sa hugis ng aking mga labi,
Ako ay isang dilag
Isang pinakatangi-tangi.
Pinakatangi-tanging Dilag.
At ako iyon.
Nang ako ay pumasok sa isang silid
Hanggat sa gusto mo
At para sa isang ginoo,
At maraming lalaki ang nakatayo
O kaya ay mga nakaluhod,
Na kasing tulad ng mga bubuyog.
At sinabi ko,
Nasa alab ng aking mga mata,
At sa tamis ng aking mga ngiti,
Ang paggalaw ng aking beywang,
At ang kagalakan ng aking mga paa.
Ako ay isang dilag
Isang pinakatangi-tangi.
Pinakatangi-tanging Dilag.
At ako iyon.
Ang mga kalalakihan ay nag-iisip
Kung ano ang nakita nila sa akin.
Ginawa nila ang lahat
Subalit di nila kayang abutin
Ang aking nakatagong misteryo.
Nang sinubukan kong ipakita sa kanila,
Sabi nila hindi nila makita.
At sinabi ko,
Nasa linya ng aking likod,
Sa liwanag ng aking mga ngiti,
Sa pag-indayog ng aking mga dibdib,
Sa biyaya ng aking istilo.
Ako ay isang dilag
Isang pinakatangi-tangi.
Pinakatangi-tanging Dilag.
At ako iyon.
At ngayon ay alam mo na
Kung bakit ang aking ulo ay hindi nakatungo.
Hindi ako lumulukso o simisigaw
O nagmamayabang.
Pag ako'y nakita ninyong dumaan,
Ipagmamalaki ninyo ako.
At sinabi ko,
Ito ay nasa pagtunog ng aking mga takong,
Sa hibla ng aking mga buhok,
Sa palad ng aking mga kamay,
Sa pag-aalaga ko sa aking sarili.
Sapagkat ako ay isang dilag
Isang pinakatangi-tangi.
Pinakatangi-tanging Dilag.
At ako iyon.