nhel bryan plamara


Diyos Ng Calbayog City - Poem by nhel bryan plamara

hindi ko alam
kung bakit
naroroon sila sa
taas.
nakalutang.

ang madalas kong
daanan sa Capo-ocan
ang old-road
ang tulay ng Jasmines
ang parke Nijaga
ang aking tinirahan dati
at ang katabi nitong
paaralan ng mga
bulag.
ang 7th Day Adventist
at ang
Faith Tabernacle.

naroon din sina Irene Pelicano
at Kevin Rojas
nagsasalo sa katiting
na utak
at kaluluwa.

nakalutang.
malayang nagliliwaliw
sa espasyo
ng mundo.

sa isang
iglap lang
nagsibagsakan lahat.

at bigla kong naalala:
ako pala ang diyos
ng Calbayog City.


Comments about Diyos Ng Calbayog City by nhel bryan plamara

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, August 25, 2010

Poem Edited: Wednesday, August 25, 2010


[Report Error]