marrion silverio


Paglisan - Poem by marrion silverio

Nang ikaw ay lumisan
Hindi ko na kayanan
Sakit ang naranasan
ng aking pusong sugatan

Naaalala ko pa ang iyong pangako
Na walang iwanan bakit tuluyan naglaho?
Mata'y hindi mapigilan ang pag iyak
kapag naiisip ka puso ko'y parang nabibiyak

Hindi matanggap na wala ka na
Sa ibang kandungan ka na masaya
Iniwan mo ako nang biglaan
Damdamin nasaktan ng hindi inaasahan

Hindi ko lang maintindihan
Ano ba ang iyong dahilan?
Bakit ba ganito ang kinahinatnan?
Ang mahalin mo lang ako yan lang aking kailangan

Paalam mahal sana maligaya ka na
Bumalik ka sa kin kung sinasaktan ka niya
Wag mo sanang kalimutan ang katulad ko
Na minahal ka ng lubusan at totoo


Comments about Paglisan by marrion silverio

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Saturday, August 7, 2010



[Report Error]