nhel bryan plamara


Kapag Mahimbing Na Ang Aking Tulog - Poem by nhel bryan plamara

pakiusap
manatili ka muna
ngayong hapon.
at mamaya,
pag mahimbing
na ang aking
tulog.

malaya ka
na.

ayokong makita
kang naglalakad
ayokong marinig
ang iyong
sasabihin.

ganito:
ayokong makita
kung paano
bumuka ang
iyong bibig.
makita
ang iyong
dila
ngipin.

kung paano humakbang
ang iyong
mga paa
kung paano
mo paindakin
sa hangin
ang katawang iyon.


palayo
sa akin.


Comments about Kapag Mahimbing Na Ang Aking Tulog by nhel bryan plamara

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, August 25, 2010

Poem Edited: Wednesday, August 25, 2010


[Report Error]