Randolph Valeza

Rookie - 19 Points (June 22,1994 / Catanduanes)

Paalam Kaibigan - Poem by Randolph Valeza

Aking kaibigan
Nais ko nang magpaalam
Pagkat ako na ay lilisan
Sa mundong ito na minsan kong inalagaan

Ako'y aalis na kaibigan
Pagkat malalayo-layo pa ang aking pupuntahan
Sa lugar na iyon ay may kalayaan
At walang gulo, puno pa nang katahimikan

Pasensya na sa lahat na nagawa ko
Kung minsan ay naging makulit sayo
Kaya ngayon ako'y mangangako na
sa iyo hindi na gagambalain pa
Pagkat ako'y lilisan na

Salamat sa paggabay sa akin
sa lahat ng tulong na binigay sa akin
At muli ko na naman saiyo sasabihin
Magpapaalam na ako at mawawala na sa iyong paningin


Comments about Paalam Kaibigan by Randolph Valeza

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Tuesday, August 17, 2010



[Report Error]