Lance Abellon


Para Sa 'yong Gumuguhit Ng Pangarap... - Poem by Lance Abellon

(para sa pinsan kong si Jethro..)




Para sa 'yong gumuguhit:


Gumuguhit ka ng mga pangarap.


kalakbay mo ang lapis at mga pangkulay,
inilalarawan mo ang ganda at sari-saring dako ng espasyo ng buhay,
na puno ng kulay.


ginuguhit mo sa papel ang bawat pangarap
na kumakalikot sa iyong isipang mapaglarong paggulong-gulong,


hanggang mabuo mo ang isang talentong nakatagong masasaksihan
ng mga matang mahilig maki-usyoso;


makulay mong inilalarawan ang buhay;
mga sandali ng pait, saya, pagkabigo, hinanakit, at pag-asa;


nagpapakawala ka ng kalayaan,
sa paraang malaya mong naidadantay ang mga palad sa bawat obrang iyong nililimbag,


binubuhay mo ang mga patay na dako ng buhay,




at nilalagyan mo ng kulay.


Abellon
27 Enero 2016

Topic(s) of this poem: artistic work


Comments about Para Sa 'yong Gumuguhit Ng Pangarap... by Lance Abellon

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags


Poem Submitted: Wednesday, January 27, 2016



[Report Error]