Randolph Valeza

Rookie - 19 Points (June 22,1994 / Catanduanes)

Muling Pagkikita - Poem by Randolph Valeza

Kaibigan ko, kumusta ka na?
Sa buhay mo ayos ka lang ba?
Dito sa mundong puno nang lungkot at ligaya
Ikaw ba'y malusog at masigla
Sa panahon ngayon, kay hirap na

Sana naman ikay masaya
Lagi kong hangad ang iyong ligaya
Pagkat nais kong makita kang ngumingiti
Sabay sabi sa akin'pare nalampasan ko ang mga pighati'
Kasunod nito ang malakas mong tawa
at ngiti na umaabot hanggang taenga

Napakarami ko pang katanungan sa iyo
Sana naman ito'y sagutin mo
Pagkat kay tagal na nating hindi nag kita
kasi kay tagal na rin nung tayo'y naghiwahiwalay, hindi ba?

Tinatahak ang kanya kanyang landas
Inaabot ang kanya kanyang pangarap
ngunit sa pagkakaibigan nating walang kupas
Lubos akong nagagalak


Comments about Muling Pagkikita by Randolph Valeza

  • Grace Svensson (1/27/2018 3:07:00 AM)


    I love the topic about friendship.; -) (Report) Reply

    0 person liked.
    0 person did not like.
Read all 1 comments »



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Tuesday, August 17, 2010

Poem Edited: Sunday, September 5, 2010


[Report Error]