Randolph Valeza

Rookie - 19 Points (June 22,1994 / Catanduanes)

Bakit Ka Nag-Iba - Poem by Randolph Valeza

Ba't ngayon sa akin ay iwas ka?
Sa piling ng iba lagi ka nang masaya
Iniwan mo ang puso kong nagdurusa
At ngayon ako'y nag-iisa

Dati-rati'y nang tayo'y mag kasama
Sa aking tabi ika'y maligaya
Naalala mo pa ba? Nang sabihin kong mahal kita
Hindi kaagad kumibo at sumagot sa akin 'mahal din kita'

Mga pangako natin sa isa't isa
Walang iwanan sa lungkot at ligaya
Ngunit ano ang nangyari ba't ika'y nag iba
At sa akin ika'y umiiwas na

hindi ko maintindihan kong bakit ka nag iba
May kulang ba ako o ika'y may problema
Sa ating mga tagpuan ikay hindi na pumupunta
Naghihintay sayo sa gabi't umaga

Siguro wala na ngang pag asa
Na sa akin ika'y babalik pa
At tuluyan mo na akong nilimutan
Mga pagsasama nating nawala nang biglaan

Siguro dapat ko nang tigilan
Ang paghahangad saiyo kay hirap nang tigilan


Comments about Bakit Ka Nag-Iba by Randolph Valeza

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Tuesday, August 31, 2010

Poem Edited: Monday, October 3, 2011


[Report Error]