nhel bryan plamara


Katapusan - Poem by nhel bryan plamara

panibagong alindog ang nakalutang
sa kawalan, nagpakawala ng-
halimuyak ang senaryong walang kabuuan.
sa isang hugot ng hanging tumakas;
maglalakad patungo sa kung saan ang
nais pasukin at sabay kampay ng malay.
maningning na naman ang paligid,
at mahinhin ang balat sa pagdama
ng kalat at madidinig
ang labas na masalimuot.
kung bakit di ko kayang lumampas
sa pintong gawa ng aking imahinasyon.
at sa pagkawala ng paningin,
walang nasilayan,
kundi sariling kahinaan.


Comments about Katapusan by nhel bryan plamara

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, August 25, 2010



[Report Error]